Parisukat
Bangon sa kama,
bubuksan ang bintana
na parisukat
Kung di nakatulog
lulukutin lang ang kumot
na parisukat
Labas-pasok sa gusali
mga pintong sari-sari
parisukat, parihaba
Dasal ko kung maari
sa kwarto ko'y manatili
kahit sandali
mababaliw na sa parisukat
Parepareho
araw sa kalendaryo
parisukat
Parang karera
unahan sa pagkuha
ng mga apat ang kanto
Labas-pasok sa gusali
mga pintong sari-sari
parisukat, parihaba
Dasal ko kung maari
sa kwarto ko'y manatili
kahit sandali
mababaliw na sa parisukat
Mababaliw na sa
apat na sulok apat na gilid
ng lungkot at ng galit
apat na sulok apat na gilid
dapat bang merong hugis
ang laot at langit
Labas-pasok sa gusali
mga pintong sari-sari
parisukat, parihaba
Dasal ko kung maari
umiyak nang isang buong gabi
habang tinatabi
kahon at kwaderno
sulat at litratong
parisukat